PotPot...D'Commuter
-ReYaPoT


Sunday, June 26, 2005
Friday, June 3

Etong experience na to, happened mga two weeks ago.  At dahil mga prominenteng tao ang involved… itatago ko ang tunay nilang names.  Hehe... May alias sila.  Kaya sa mga ka-officemates ko dati, kayo na bahalang mag isip kung sino sila  J

 

May pinuntahan kasi kaming isang place na bago.  Di ko na sasabihin kung saan, mabubuko eh... ang mahalaga, yung experiences namin, habang bumibyahe kami papunta dun.  At isa pang dahilan eh dahil na rin siguro gusto naming magbonding, bago man lng ako umalis.

 

Umalis kami ng office ng around 7pm.  Sumakay kami sa kotse nung isang ofcmate at as usual sya ang driver.  Sa kotse, pinaplano na kung saan kami dadaan para makapunta dun sa place.  Madaling usapan lng sana yun eh... pero dahil may involve na pagkain – kasi nga bibili pa kaming dinner namin – nagkaroon pa ng discussion :-)  ...  syempre ang aming driver... lito na naman... indi alam kung saan ipapaling ang manibela.  Panu kasi, sa sobrang tagal ng discussion... naka alis na kami sa parking at bumibyahe na kami.  Hehehe... Hanggang finally.... nakabuo na ng plano.

 

Kya ang first tip – bago kayo umalis ng parking lot, siguraduhing alam na yung ruta nyo.  Kasi kung indi, at kung habang nasa daan kayo magpaplano kung anung ruta nyo, kawawa ang driver... baka sa kagustuhang mapadali at safe ang byahe, lalong tumatagal.. baka maligaw pa... ska mas matindi, baka mahuli pa kyo ng MMDA or Traffic Enforcer..at mas matindi baka madisgrasya kyo or maka disgrasya.

 

To continue with our “road trip” ...  hehe..  First stop... buy kami ng sansrival... yun ang gusto ni Inay (yan ang code name ni Ma’am driver).  Bumaba ang Host (code name nung may alm ng pupuntahan naming place) at si Ma’am (wla akong maisip na code???  Alam ko na ... Buddy! – lam mo na to ma’am, bkit buddy)... silang dalawa ang bibili kasi syempre si Inay indi mkakababa ng kotse, sya driver eh.... si Host, nawawala pa wallet...naiwanan yata sa office... may sakit atang kalimot eh, confirm ni Inay.  So nakabili na sila, kaya lng maliit lng binili, tumaas boses ni Inay, hehe.. kaya balik ulit... buy ng malaki.  Ang galing noh, dessert ang inuna, hehe..

 

OK na.  Tpos na ang 1st task.  Byahe na ulit.  Isip, usap... anu pa bang bibilhin... YELO!  Kailangan natin ng yelo.  Pero bago yan, buy tyo barbeque at chicharon.  Next stop, sa lapid chicharon... kaya lng, wla ng barbeque.. inubos ng mga taga Lapid..may outing yata sila... kaya buy na lng kami ng chicharon.

 

Next stop na ulit, buy kami ng lechon manok.  This time ang lumabas si Ate.... (yun ang code ko sa kanya, kasi madalas nya akong tawaging Day.. aysus ko po, sinabi ng indi ako Day, ako si Dudong! Hehehe...)  Kasama nya yata si Buddy lumabas.  Maya-maya, nawla sa paningin namin si Ate.  Yun pala, nagtanung sa kabilang tindahan, kung may YELO.  So nakabili sya.  Pina open ni Ate ang compartment.  Nilagay ang yelo.  Tapos pumasok na sya, bitbit ang lechon manok.

 

Unti-unti, nakukumpleto na ang aming pagkain.  Isip pa kung anung kulang.  After mga 2minutes siguro, sabi ni Ate kay Inay nakalimutan daw nyang ibuhol ang plastic bag ng ICE sa likod.   Syempre, tumaas na naman boses ni Inay, kasi po may mga files syang dala dun... pag kumalat ang yelo sa loob ng compartment...mababasa ang mga files!  Syempre, dahil may kaguluhan, ang ingay namin sa loob..puro pa kami ladies..hehehe... so ang next step, tumabi muna at i-check ang compartment..at ibuhol ang plastic ng ice.  Kaya lng nga mga panahong naalala ni Ate na indi nya naibuhol ang plastic, nasa makipot na road kami... at mejo madilim din.  So diretso pa muna, hanap ng magandang pwesto.  Kya lng, si Ate, mejo worried na, baka nga daw kumalat na ang ice sa compartment!  Finally, indi ko alam kung dahil sa panic o kung anu pa man, biglang tumigil si Inay, itinabi ng yung kotse... pero dahil makipot ang daan, tingin ko indi kasya yung ibang sasakayan kahit gumilid kami.  Anyway... bumaba si Ate.  Gumawi sa likod ng kotse.  Maya-maya, sumenyas.  Indi pla na-open ni Inay ang compartment!  Pag ka open.. naku, may kasunod na kami!  Maliwanag ang headlight, tpos, biglang bumusina.  Si Ate, nataranta yata.  Sumenyas... iabante ang kotse... si Inay, nalito yata... kasi nung iaabante na ang kotse... indi nya magawa.. una kasi – si Ate, indi sinarado ang compartment... eh di senyas kmi – isara mo ang compartment!  Isara mo ang compartment!  OK!  Na-gets ni Ati...este Ate pala.   So aabante na sana si Inay... kaya lng- eto na ang pangalawang dahilan bkit di nya magawa - ... nung aandar na si Inay para itabi pa ng konti ang kotse, biglang lumapit si Ate, aktong inaabot ang pinto para buksan, kasi sasakay sya.  Kya, tumigil si Inay.. nung nakatigil si Inay, indi naman na kumilos si Ate... tpos ang ginawa ni Inay, inabante na nya ang kotse...kaya lng si Ate... umaktong bubuksan ang pinto ng kotse ulit!  Hehehe.. anu ba yun!?!?!? Bumusina yata nga ulity yung kasunod namin eh... ahehehe...   Siguro mga 3beses na ganun ang itsura namin... kung baga sa lakaran.. atras-abante kami... dagdagan mo po ang bumubusinang nasa likod namin.  Tapos, eh di oks na, sinarado na ni ang compartment... nakapasok na sya sa kotse.   So byahe na kami ulit... Nag ask si Inay kung anu ba daw itsura nung yelo nung pagka check ni Ate kanina.. kung kumalat na ba daw ang yelo?  Nagulat si Ate... sabay sabing “ay oo nga anu?”  hehehe... si Ate talaga..nakalimutan pala nya kung binuhol ba nya o indi ang plastic ng yelo... hehehe... baba ulit ang Ate ko!

 

Tip #2, pag mejo kailangan nyo tumigil sa kalsada kasi you have to check on something, make sure na indi kayo makakaabala dun sa napili nyong pagtigilan pansandali.  Tapos signal kyo hazard... at ang pinaka importante sa lahat... WAG maglagay ng supot ng ice sa likod ng compartment na indi nakabuhol ang supot..lalo na kung may mga files kayo dun na importante... hehehe... di ba Ati??? Este Ate pala...

 

Isa pa pala... pag kakausapin nyo yung kasama nyo na nasa labas ng kotse..subukan nyong buksan ang bintana...para mas magkaintindihan kayo... para naman indi mataranta yung nasa labas.. businahan ba naman at tutukan ng maliwanag na head light eh!

 

Syempre, tawa kami ng tawa sa kalokohan namin.  Nung malapit na kami sa place.  Sabi ni Host, may mga bagay pa kaming dapat bilhin sa 711.  Bumili muna kaming BBQ.  Kami ni Ate, Buddy ang bumaba.  Dami kami binili, pwet ng mank, isaw, pork bbq, tilapia.  Gusto pa nga ni Buddy ng pusit, buti na lng wla, kasi bwal sa kanya yun eh.  Kami naman ni Ate, pinag initan ang bbq tilapia.  Sbi nmin, kulang ang isang tilapia.  Ayaw ni Buddy, sobrang dami na daw ng food nmin.  Kaya naman ng bumalik si Buddy sa kotse, nag order kami addtional isang tilapia :).  Pg balik ni buddy, nagulat sya, bakit 2 na tilapia na iniihaw!?!??!!?  Indi ako kumikibo, kunyari di ko sila nadidinig...hehehe... kasi magagalit si Buddy :-) = kunyari busy na busy ak0ng iniinterview ko yung nag iihaw...nag tatanung akong direction kung saan ang pinakamalapit na 711.

 

Matapos magpaturo ng direksyon sa nag iihaw ng bbq.  Bumalik ako sa kotse.  Sabi kasi ni Buddy, buy na kami ni Host sa 711 habang antay namin ang bbq.   Panu naman kasi, mg 9pm na...indi pa kami kumakain ng dinner!!!  Dahil sa aming pamamalengke... buti na lng din kamo, sarado na ang wetmarket..kasi si Ate – gusto ng crab!!!!

 

Sa 711 ang dami naming binili, tinapay, chips, etc... etc...etc...  Ang dami naming pagkain!!!

 

After mga 20 to 30 minutes, nakarating na kami dun sa aming destinasyon.  Mejo makipot ang kalye.  May mga nakapark pa sa isang side, kaya one way ang drama nung kalye.  At dahil ang parking slot namin eh nasa pagitan ng 2 malaking Van... nahirapan si Inay mag park.  Siguro mga 30 minutes din kaming nagpark.  Tapos si Inay mejo sumusuko na,  Tapos yung mag tao dun sa lugar, naglalabasan ang mga ulo.. sa bintana, sa pinto... nag uusyoso na.. sabi siguro nila... “sino kaya yung nagprapraktis magpark sa labas??”  hehehe...  Ang hirap naman talaga noh!  Makipot na yung daan... tpos yung pag park-an mo pa sukat na sukat...

 

Pinatawag namin ang may ari ng sasakyang nakaharang, para lng mapadali ang buhay ni Inay sa pagpapark...kaya lng wla daw.. at indi iniwanan ang susi!  Oh mi gosh!!!  Kailangang tyagain ni Inay itoh...

 

Tip #3,  ayus ayusin ang park nyo ha!  Lalo na kung makipot ang lugar, at wlang mapag maniobrahan ng mabuti... at pwede??!??!!  Kung aalis kayo, iwanan ang susi... panu na lng kung nagkaroon ng emergency dun sa lugar na yun... kailangang pumasok ng fire truck or ng ambulance... eh indi kasya dahil nga naka park silang lahat sa makipot na daan... tpos wlang susi para maclear ang area.. eh di wla ng nangyari sa emergency... lagot!  

 

Finally, nakapag park na si Inay.  Labasan na ng kotse... oppss, may isang prob... saan lalabas si Inay.  Nakulong sya sa side nya... pader na yun.  Buti na lng mejo slim si Inay..  sa passenger side sya dumaan.  Isipin mo yun???  Kung ako siguro yun..mahihirapan akong lumipat from driver seat to passenger seat... siguradong ipit ang binti at hita ko sa manibela... saka maiipit ang Bleep!  Bleep!  (censored) Ko...lalo kung naka jeans ako... masakit pa namang maipit ang Bleep! (censored ulit)...

 

Tapos ng lahat, kumain na kami... kung anung haba ng byahe namin..syang bilis naming naubos yung mga pagkaing aming pinamili...  sarap kumain ng pinag hirapan!!!  :-)

Posted at 08:34 pm by rea_pot
Comments (3)  

Tuesday, May 24, 2005
Basa lang ako...

Basa lang ako... Isa pang kwento....

Posted at 06:18 am by Noli
Make a comment  

Monday, May 23, 2005
Ortigas Station, MRT

(This actually happened July 1, 2004)

As I stepped off the MRT train at the Ortigas station Thursday night (July 1), my sweater, that was draped over my bag, was dislodged from its supposedly safe position. In short, I watched my favorite sweater (yes, the brown one na butas-butas), parang nag-slow motion pa nga sa paningin ko, fall, slip-in smoothly, between the sliding panels and the platform and disappeared into the darkness below...

 

For a few seconds the usual hulabaloo of people getting in and getting out the car stopped.  They all watched my favorite sweater disappear through that 6-inch space.  I was stunned.  That was my favorite sweater!  Me & that sweater went through so many good & bad times already, and just like that wala na siya???  Ano ba yon??

 

After a few seconds, I took a deep, deep breath and let out a sigh of resignation. I shrugged it off and waved my hand in disgust, sort of saying "hayaan mo na nga....!".

 

As I turned to walk away from the scene, a man in barong spoke from behind and told me I can still save my sweater.  I couldn't understand him at first, but he pointed at the guards as he repeated his suggestion.  Tumawag lang daw ako ng guard and pasungkit ko.  Seeing me break into a smile and my eyes lighting up with hope, he smiled kindly and lightly touched my arm in consolation and walked off.  Siguro nga I looked devastated.

 

So, I took his advice, and approached the nearest lady employee of the station and explained my request.  She ran, yes patakbo sya to my aid, and both of us leaned over to see where my poor sweater was.  She then called her superiors and asked for clearance, because they have to check if the current is turned off at that part of the tracks. As I waited, I went back to my sweater and a guard came over and asked what my problem was.  I explained and asked him if I can borrow a mop handle or broom for actually, it can easily be fished out from the tracks.  Kaya ko na yon.  He asked the janitor, pero umiling.  He looked around again and saw a co-guard and conferred. 

 

"Sige, ikaw na tapos hatakin kita..." 

 

The second guard then jumped off the platform, picked up my now soggy sweater (kasi basa pala yung flooring), quickly handed it to me and reached for the hand of his co-guard who was ready to pull him up.  Syempre, may bumubulong pa na usiseros ng "Dali, andiyan na ang train..." e, headlights pa lang naman nakikita ko...

 

I'm happy again, me and my sweater are back together.  After a few hard wrings sa comfort room sink, I stuffed it inside a plastic bag and ready to wash it when I get home.

 

I would like to thank the man in barong for his kind advice, the lady employee for her sincerity in panicking with me, and most of all, I would like to commend Sg.Losares (he planned the rescue) and Sg.Rojo (he did the rescuing) for their bravery.

 

=)


Posted at 09:01 pm by beth
Make a comment  

Saturday, May 14, 2005
MRT Ride: Ayala to Sharila


After ng overtime naming, nag kaayaan kami nung officemate ko sa megamall.  So from office, naglakad kami sa walk-way kasi wlang fx papuntang landmark dahil nga sabado.

 

Na-eenjoy ko actually yung walk way na yun ha.. mahaba sya – well, malayo – pero oks lng… one time nga na naiinis ako at magulo ang utak..maaga ako umuwi.. naglakad ako dun… ayun… pagdating ko ng mrt… indi na magulo utak ko… kasi napagod ako… pero oks lng, enjoy ko naman…

 

Anyway…so nag MRT kami… nakasabay pa naming yung isang officemate ko so.. tatlo kaming magkasabay sa MRT.

 

Eto na ang MRT… sakay… as usual, wla na upuan, kapit ako dun sa isang posteng malapit sa pintuan.  Yung dalawang kasama ko, wla ng makapitan sa poste, kasi may mga BF dun na sa sobrang pag yapos nila sa isa’t isa, pati yung poste, niyapos na nila…  Kaya, ang mga kasama ko, ako ang ginawang poste, sa akin sila kumapit.

 

Ay dahil nga malaking sagabal sa poste ang lovers na nagyayapusan, di ko maiwasang mapansin silang dalawa… well, actually kahit iwasan kong pansinin, di pwede, kasi magkatapat kami… siksikan na rin sa loob ng train.  Saka yung arte nila, kapansin pansin, kasi sinasampal nung girl yung guy, pero mahinang sampal lang, yung tipong pinapaling lng nung girl yung mukha ng guy na tumingin sa kanya.  So ayun na… naisip ko.. anu kayang prob nitong dalawang ‘to… indi nakapag antay at sa mrt pa lng eh nag sasampalan na???

 

Nung sumunod na station na, lalong sumikip… lalong nag gitgitan.  Kaya napadikit akong lalo sa ating lovers.  Ayan na naman sila.. narinig ko yung girl,  “O, ayan ka na naman eh..sinabi ng kahit tingin di pwede…”   Sumagot naman si boy, “Anung magagawa ko?  Dun ang direction ng mata ko…Di sadya yun.”

 

Hmmm… Anu kaya yun?  Tpos, isang station pa… napansin ko yung girl, nakatingin sa akin… tpos tumitingin sa boyfriend nya… tpos titingin ulit sa akin.  Tapos mag seconds lng, yung guy naman ang tumingin sa akin… tpos tumingin sya sa girl friend nya.  Aba… teka… parang alam ko na… nagseselos yung girl???  Sa akin???  Uyy, bago toh! Ang haba ng buhok ng lola mo, grabe!   Hirap tlaga maging Josa ha…  J

 

Di ko mapigilang mangiti ha.  Tpos, isang station pa… yung girl, nahuli ko, nakatingin ulit sa akin… actually, this time sa dibdib ko… (alam nyo naman ang inyong lingkod eh gifted ang dibdib)… tpos, pag katingin nya sa dibdib ko… tumingin sya sa dibdib nya… HAHAHA!!!!  Pero syempre, indi ako tumawa ng malakas.. nangiti lng ako… this time, di ko naitago… lalo na nung inulit pa nyang binalik ang tingin sa dibdib ko at balik sa dibdib nya… hehehe… susmaryosep na bata ito… nakakatawa kayong mag boyfriend.  Balak ko sana, mang inis pa… pero buti na lng at next station na… bababa na kami… hehehe…    Hay....  kasalanan ko bang maging gifted... wla eh... lam mo na.. josa :-)


Posted at 11:12 pm by rea_pot
Comments (2)  

Thursday, May 12, 2005
Bus Ride - Ayala to Boni, past 10pm


Late na kami nakauwi kanina... madaming tinapos, in preparation for the audit tomorrow.  Buti na lng yung isang kasali sa team eh taga mandaluyong rin..at sa boni pa..kaya ayun, may nakakasabay akong umuwi kahit late na.  Saka mabuti na lng din mabait siya - si Brian - kasi minsan, tapos na sya eh pero antay nya me..thanks Bry  :-)

Kasabay din namin yung isa pang team mate ko taga fairview - si mariz, at dalawang maintenance namin... na ginagabi rin kasi nakikigulo na sa amin.  Since wla ng shuttle going to fairview, sumabay na sa amin sa bus si mariz.  First time nya to go home na bus ride... Mariz, mare... baka gusto mo share dito ang iyong 1st bus ride :-)

At dahil fairview na bus ang sinakyan namin... madaming tao.. napupuno sya... kaya hiwa-hiwalay ang upuan namin.  Pero kaming dalawa ni mariz... magkatapat, ako sa tatluhan, sya sa katapat kong dalawahan... dun sa tapat ng gulong na upuan... yung isang maintenance namin sa likod ng upuan ko nakapwesto... si brian at yung isa pang maintenance namin sa bandang likod na...

(Tip#1, kung ayaw nyo ng punong bus kung sasakay kayo sa Ayala, wag kyo sumakay sa Fairview na bus.. kasi napupuno sya..as in.. puno...)

Oks naman katabi ko.  Babae.  Mukhang mabait... kasi nung binibiro namin si Brian na sya ang mag bayad, pati sya nakitawa... Saka all though out the byahe, nag ttxt sya... yun nga lng, feeling nya yata dahil sa magkatabi kami, close na kami... kasi habang nag ttxt sya, nag rereact sya... mejo malakas na kapansin pansin... napapatingin tuloy ako... feeling ko, gusto nyang i-share na pinagagalitan nya yung daddy nya sa txt...

Oks naman byahe ko, kahit late na.  Mejo mabagal nga lng bago nakalabas ng ayala, kasi nagpupuno eh... as in puno...

Nung boni na, syempre, babay na ako kay mariz.. at dahil sa dami ng tao, di ko na alam kung panu ko tatawagin si brian.  Nauna na akong bumaba, antay ko na lng sya sa overpass... kaya lng... nakababa na lahat ng pasahero...nawawala si brian??!?!?

YUng bus, paalis na... luminga linga ako...baka naman ako ang naiwanan... pero, wla eh... asan na ba yun???

Hinabol ko ng tingin yung bus (tingin lng ha...indi ko naman hahabulin as in habol sa gitna ng edsa ang bus at sisigawang iluwa mo ang kasabay ko!).... baka nakatulog si brian???  Naku... baka sa fairview na sya magising...????

Nakita ko, yung bus, gumigilid ulit... pormang magbababa ng pasahero... Ayun!  ayun pala si Brian....naiwan... pero indi sya nakatulog, indi naman kasi sya pupungas pungas eh...

Sinalubong ko na... tinanung ko kung anung nangyari sa kanya... ayun... naipit pala sa dami ng tao... sa dulo yata kasi sya napapwesto... ayaw magtabihan nung bababa na sya... kaya naipit... akala nung driver... wala ng bababa...

(Tip#2 kung malapit lng ang byahe nyo at sasakay kayo sa mga malalayong byahe na bus, wag kayo pwesto sa dulo..kasi nga madalas puno ang mga bus na malalayo ang byahe... magiging siksikan na... kaya maiipit kayo.  Pero kung ang destinasyon nyo eh sa dulo pa ng byahe... sa dulo rin ng bus kayo pumwesto).


Posted at 12:59 am by rea_pot
Make a comment  

Saturday, May 07, 2005
Unang Byahe... Ang simula ng lahat


Nabuo ang idea na ito isang Huwebes ng umaga… papasok na ako sa opisina.  At dahil coding ang sasakyan naming pedicab, nag bus ako.  Mejo late na ako naka alis ng bahay, at mejo mabagal ang jip na nasakyan ko papuntang edsa kaya pag dating ko sa sakayan ng bus, madaming tao.  Swerte rin naman, indi ako matagal nag abang.  Ayan na ang bus… hala, sige sakay.  Kya lng, wla na palang upuan.  Di bale, mejo malamig naman aircon nya eh.  Pero, ilang sandali lang, ay tinamaan na naman ako ng swerte, kasi yung guy na kasabay ko sa jip, na sumakay din pala sa same bus na sinakyan ko, pina upo ako… hehe.. tuwa ako syempre, cute pa naman yung guy… Anyway, pag upo ko, sa tatluhang upuan… katabi ko pala eh mama (take note, mama – as in lalaki… indi mama na nanay… ok??? – ayaw ko syang tawaging “guy” kasi… kasi… teka… bakit nga ba??? … kasi… basta!  Indi bagay sa kanya!  (Sori ha, pintasera ako eh… may pinag hawaan na yata, hehe..)  Kasi naman, mapagsamantala sya noh!  Suot ko pa naman ang favorite shirt ko nun… tapos mananamantala sya!  Panu kasi yung braso nya, kinikiskis nya sa tagiliran ko… eh di syempre, ang lola mo mejo very cautious sa mga ganyang klaseng katabi… kaya mega harang ako ng braso ko… eh di parang rubbing elbows kami ngayon.. kakainis talaga… kasi sinisiko ko na sya para makaramdam sya na nakaka abala ang braso nya eh ayaw pa rin tuminag..kampante ang lolo mo ha!  Indi man lang inalis ang braso nya… pwede naman kasi syang umupo ng upong P9.00 lng noh!  Kaya ang ginawa ko na lng… tinalikuran ko sya… sandalan ko nga… okay lng dumikit sya sa likod ko.. likod lng yun eh… ska kesehodang nakaharang ang aking malalaking binti sa aisle ng bus… basta wag na lang gumapang ang mga braso nya sa tagiliran ko… manyak!!!  Antay na lng akong bumaba sya... Indi naman ako maka tayo na, kasi mas marami ng tao, baka madukutan naman ako... kaya tiis ang lola mo.  Kaya lng, may hangganan ang swerte ko, kasi kung saan ako bumaba dun din pala sya bababa.  Hay... anyway... oks lng din naman.  Atleast, wlang masamang nangyari sa akin.. as in - "masama".  Yun nga lng... mejo may rubbing-tagiliran na nangyari.. oh well, kasalanan ko bang maging ka-rub-rub ang tagiliran ko???  Josa eh... hehehe...


Posted at 08:06 pm by rea_pot
Make a comment  





Ang blog na ito ay actually para sa akin lang dapat…hehehe.. madamot ako eh…
Pero dahil alam ko, na gaya ko, kayo rin ay may mga unforgettable, nakakainis, nakakaasar, nakakatuwa at kung anu-ano pang naka na experiences sa pag ko-commute, kaya.. sige na nga! Para sa inyo na rin ito…

Pwede kayong mag share at mag post ng mga experiences nyo sa pag-commute.. kung sa jeep man, sa bus, sa mrt, sa taxi or kahit saan pang uri ng transportasyon… gusto nyo sa kalesa… pwede rin…Basta share nyo.. Experinces man or comments, welcome lahat yan…

Welcome lahat mag share at mag comment…


<< May 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

Ang PotPot..D’Commuter Blog ay bunga ng maarteng isip ng inyo pong lingkod, ReYaPoT.

Gusto ko lng po kasing mgakaroon ng tala ng mga experiences ko sa pag ko-commute.. kaya eto nag create ako ng blog. Bukod dito, pwede rin kasing kapulutan ng magagandang bagay yung mga experiences na mai-share dito sa blog. Baka makatulong na mag mulat sa atin na dapat maging very observant tyo sa paligid natin, maging cautious at maging maingat.

Visit my homepage too!

http://www.geocities.com/rheaevangelista/poetry.html
Check out my poems... fragments of my disturbed emotions :-)



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed